
Dumating na sa bansa ang labi ng Pilipina na caregiver sa Israel na si Mary Ann De Vera kaninang umaga, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Namatay si De Vera sa Israel noong Pebrero 28 matapos na tamaan ng shrapnel habang tinutulungan ang kanyang matandang babae para makapunta sa bomb shelter.
Sinamahan si De Vera ng kanyang asawa na si Bernie Lavaria, na unang nakipagkita ng personal kay Israeli President Isaac Herzog sa Jerusalem kamakalawa.
Una rito, sinabi ng Philippine Embassy sa Israel na tiniyak ni Herzog kay Lavarias na makakatanggap siya ng financial assistance sa ilalim ng compensation program ng Israel, maging buwanang stipend sa pamamagitan ng national insurance system ng Israel.
Ayon naman sa DMW, patuloy na magbibigay ang ahensiya at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng kailangang assistance sa pamilya ng namatay na OFW sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.










