TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na natagpuang palutang-lutang at wala ng buhay sa bayan Enrile.

Ayon kay P/maj Lorvin layugan, hepe ng Enrile Police Station, mamimingwit sana ang isang residente sa ilog na sakop ng Barangay Maddarulug Norte nang mapansin ang bangkay na palutang-lutang.

Sinabi ni Layugan na hirap ang kanilang hanay na kilalan ang biktima dahil tanging ang singsing sa kaliwang ring finger ang tanging suot ng biktima.

Aniya, maaring galing sa ibang lugar ang biktima at naanod lamang sa kanilang nasasakupang lugar.

Kaugnay nito, nanawagan si Layugan sa publiko na kung may nawawalang kaanak ay makipag-ugnayan lamang sa kanilang himpilan.

-- ADVERTISEMENT --