TUGUEGARAO CITY- Sinampahan na ng kasong homicide ang isang lalaki na nakapatay sa kasama niyang farm caretaker sa Abulug, Cagayan.

Sinabi ni PMAJ. Norly Gamal, hepe ng PNP Abulug, batay sa kanilang imbestigasyon sa witness, pauwi na ang biktima na si Quirino Cristobal sa Brgy. Alinunu kasama ang suspect na si Rodnel Umayam sakay ng kulong-kulong nang magkaroon sila ng pagtatalo.

Batay sa salaysay ng witness na si Dominador Borja, nakipagpambuno ang suspect nang makita niyang binunot ng biktima ang kanyang baril sa kanyang baywang.

Habang kasalukuyan ang agawan ay pumutok ng apat na beses ang baril na tumama sa tiyan ng biktima subalit tuloy pa rin ang kanilang agawan hanggang sa matamaan sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kasunod nito,umuwi ang suspect at sa kanyang daan ay itinapon umano niya ang baril sa isang batis.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Gamal na agad na nahuli ang suspek sa kanyang bahay sa Brgy. Centro.