Nanawagan ang mga professor sa San Beda University Graduate School of Law sa Senado na ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga ito sina retired Supreme Court Associate Justices Adolf Azcuna at Jose Vitug, at graduate school dean Fr. Ranhilio Aquino.
Sa kanilang statement, nananawagan sila sa Senado na ituloy ang impeachment trial laban kay VP Sara dahil ito ay nakasaad sa Article XI ng Constitution.
Binigyang-diin ng mga ito na malinaw sa Article XI na kung naendorso ang isang verified complaint ng one-third ng mga miyembro ng Kamara, dapat na ituloy ito ng Senado.
Sinabi pa ng mga ito na walang constitutional at legal basis para antalain ang trial.
Idinagdag pa ng mga ito na mahalaga ang accountability sa pamahalaan upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa gobyerno.
Nitong Huwebes, mahigit 100 members ng UP College of Law faculty ang nanawagan sa Senado na simulan na ang impeachment trial at hayaan na lumabas ang katotohanan sa mga alegasyon laban kay VP Sara.
Binigyang-diin ng mga ito na ang dismissal sa impeachment ay nangangahulugan ng pag-abandona sa tradisyon ng Senado bilang august chamber at magpapabago sa sistema ng checks and balances ng ating bansa.