Tuluyang ni-revoke ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang rider na sangkot sa nag-viral na video sa social media kung saan isinagawa ang delikadong “Superman stunt” sa Commonwealth Avenue.

Makikita sa viral na footage ang dalawang motorsiklo, ngunit isa lamang ang may malinaw na rehistradong plaka.

Sa pakikipagtulungan ng LTO sa Quezon City Police District (QCPD) Traffic Enforcement Unit, natukoy ang may-ari ng motorsiklo sa pamamagitan ng pinahusay na forensic examination sa plaka.

Lumabas sa imbestigasyon na ipinahiram ng may-ari ang motorsiklo sa isang kaibigan, subalit ang anak ng kaibigan ang siyang gumamit nito upang isagawa ang stunt kasama ang tatlo pang iba.

Samantala, natuklasan din na ang isa pang motorsiklong makikita sa video ay pina-chop-chop at ibinenta umano sa isang mangangalakal ng ama ng isa sa mga sangkot.

-- ADVERTISEMENT --