Unti-unti nang isinasara ng Magat dam ang mga binuksan na gate simula kahapon bunsod na rin ng pagbaba na ng volume ng tubig na pumapasok sa dam.

Mula sa anim na gate na binuksan kahapon, tatlo na lamang ang bahagyang nakabukas, na may kabuuang six meters.

Gayonman, patuloy pa rin na pinapaalalahanan ang lahat ng mamamayan na iwasan ang pagtawid at pananatili sa paligid ng Cagayan river, lalo na sa mga mabababang lugar na madaling maapektohan ng baha.

Pinapayuhan din ang mga residente na nakatira malapit sa ilog na lumikas sa ligtas na lugar upang maiwasan ang panganib na dulot ng posibleng pagbaha.

Samantala, kaninang 8:00 a.m., nasa 11.6 meters ang water level sa Buntun, Tuguegarao City.

-- ADVERTISEMENT --