Tiniyak ng bagong talagang NBI Director na si Melvin Matibag na mananatiling patas at malayo sa impluwensya ng pulitika ang National Bureau of Investigation sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sa kanyang pag-upo sa pwesto matapos ang turnover ceremony noong Pebrero 23, 2026, binigyang-diin niya na ang mandato ng ahensya ang mangingibabaw sa kabila ng kanyang mga personal na ugnayan sa nakaraang administrasyon.

Ayon kay Matibag, walang itatangi o ituturing na “sacred cow” ang kawanihan, partikular na sa mga mainit na isyung kinakaharap ng bansa tulad ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa mahigpit na kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing mapapanagot ang lahat ng mapatutunayang lumabag sa batas.