Naitala ni EJ Obiena ang kanyang season-best 5.78 meters para makuha ang gold medal sa 2026 Istaf Indoor sa Berlin, Germany kaninang umaga.

Ito na ang ikatlong gold ngayong taon, matapos ang naantala niyang kampanya nitong 2025 dahil sa injury.

Naitala ng two-time olympian ang nasabing record sa isang pagsubog lamang matapos ang ilang pagtatangka na matalon ang 5.60m bar.

Naitala din ni Sondre Guttorsen ng Norway ang 5.78m subalit tumapos lamang siya sa silver via countback.

Nakuha naman nina Menno Vloon ng Netherlands at Bo Kanda Lita Baehre ng Germany ang bronze na may 5.70 clearance.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong nakalipas na buwan, nakuha ni Obiena ang gold sa 2026 Asian Inddor Athletics Championships sa Tianjin, China.

Ang dating season-high ni Obiena ay 5.77m, nang kapwa sila nanalo ng gold ni Vloon sa International Springer-Meeting sa Cottbus, Germany.