
Naghahanda ang Office of the Ombudsman na magsampa ng kasong plunder laban kina Former speaker Martin Romualdez and former Senate president Chiz Escudero kaugnay ng mga proyektong flood control.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, may nakikitang sabwatan sa kaso at target itong maisampa sa loob ng buwan ng Mayo. Kaugnay umano ito sa imbestigasyon sa mga iregularidad sa flood control projects.
Nauna nang itinanggi nina Romualdez at Escudero ang anumang kinalaman sa mga umano’y anomalya sa naturang mga proyekto.
Samantala, nakapagsampa na ang Ombudsman ng ilang kaso kabilang ang graft at malversation laban sa iba pang opisyal at kontratista kaugnay ng mga substandard at ghost flood control projects sa Oriental Mindoro, Davao Occidental, at Bulacan.










