Tumaas sa mahigit P10 billion ang intelligence fund expenditures noong 2023, makasaysayan na pagtaas para sa lihim na paggasta ng pondo, kung saan ang Office of the Vice President (OVP) ang nakitang may pinakamataas sa mga security agencies.

Ayon sa annual financial report ng Commission on Audit (COA) sa national government agencies para sa 2023, nakapagtala ang OVP ng pinakamalaking expenditures sa confidential at intelligence funds.

Makikita sa breakdown ng COA ang P4.4 billion sa confidential funds at 6.02 billion sa intelligence funds ang nagasta ng buong national government nitong nakalipas na taon, o kabuuan na P10.4 billion.

Sa kabuuan, P375 million na confidential funds ang nagasta ng OVP noong 2023.

Nalampasan nito ang security at law enforcement agencies tulad ng National Intelligence Coordinating Agency (Nica) na P127.4 million; National Security Council (NSC), P90 million; National Bureau of Investigation, P146.1 million; Department of National Defense (DND), P78.9 million; at ang Department of the Interior and Local Government (DILG), P75 million.

-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan ng House committee on good government and public accountability ang paggasta ni Vice President Sara Duterte sa kanyang confidential funds.

Ginamit din ito sa paghahain ng impeachment complaint ng opposition groups laban kay Duterte.

Ipinaliwanag ng mga auditor ng COA na ang paggasta sa confidential fund ay tumutukoy sa surveillance at confidential activities sa civilian government agencies na may layunin na suportahan ang mandato o mga operasyon ng ahensiya.

Kinabibilangan ito ng Nica; Philippine Drug Enforcement Agency na may P500 million na secret funds; Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, P49.5 million; Anti-Money Laundering Council, P9.3 million; Games and Amusements Board, P5 million; Philippine Competition Commission, P2.3 million; and Philippine Racing Commission, P221,000.

Ito ay sinundan ng Department of Justice (DOJ) with P683.8 million sa secret funding o 15.19 percent ng kabuuan.

Sumunod ang DOJ ng OVP na may P375 million spending o 8.49 percent ng kabuuan.

Sinundan naman ito ng DND at DILG na may 1.79 at 1.7 percent.

Ayon sa depinisyon ng COA, ang intelligence expenses ay ang mga may kaugnayan sa intelligence information gathering activities ng uniformed military personnel at maging ang intelligence practitioners na may direktang impact sa national security.