Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalabas ng P321 milyong ayuda para sa 34 na lalawigan at walong lungsod na sinalanta ng Bagyong Basyang at shear line.

Ang direktiba ay ipinadala kay Executive Secretary Ralph G. Recto upang masiguro ang mabilis na pagpapalabas ng pondo para sa rehabilitasyon ng nasirang imprastraktura at tulong sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga lalawigan sa Mindanao gaya ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Bukidnon, Camiguin, at Zamboanga del Norte.

Gayundin sa Visayas sa Negros Oriental, Negros Occidental, Bohol, Capiz, Aklan, Leyte, Cebu, Iloilo, Eastern Samar, Southern Leyte, Antique, Siquijor, Samar, at Northern Samar.

Sa Luzon sa Catanduanes, Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Camarines Norte, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

-- ADVERTISEMENT --

At walong lungsod gaya ng Iligan, Cagayan de Oro, Bacolod, Butuan, Cebu City, Zamboanga City, Iloilo City, at Mandaue City.

Bukod sa ayuda, ipinag-utos ni PBBM ang river clearing operations at flood mitigation measures.

Pinangunahan din niya ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Education at mga provincial LGU para sa malawakang classroom building program sa buong bansa.