Napanalunan ng isang lone bettor mula sa lalawigan ng Cagayan ang tumataginting na mahigit P67 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49, na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, July 28.

Sa abiso ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 23-03-02-43-30-07 kayat maiuuwi nito ang katumbas na jackpot prize na P67,672,225.

Nabili umano ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa bayan ng Lal-lo.

Samantala, mayroon ring 29 bettors ang nakahula ng limang tamang numero at nakapag-uwi ng second prize ma tig-P50,000 habang 1,910 bettors naman ang nanalo ng tig-P1,200 para sa nahulaang apat na tamang numero.

Ang napanalunang premyo ay bubuwisan ng 20 porsyento kung ito ay lampas sa P10,000 alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

-- ADVERTISEMENT --

Pinayuhan naman ang nanalo na magtungo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong at dalhin ang winning ticket at dalawang valid identification (ID) cards upang matanggap ang premyo.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.