TUGUEGARAO CITY-Naglabas ng panibagong panuntunan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 02 na dapat sundin ng mga indibidwal na sasakay sa Public Utility Vehicles (PUVs).

Nakasaad sa naturang advisory ang istriktong pagsusuot ng face shield at face mask ng mga drivers, konduktors at pasahero.

Karapatan din ng mga driver at konduktor na tanggihan ang mga pasahero na hindi sumusunod sa mga nabanggit na panuntunan.

Bukod dito, ipinagbabawal din ang pag-uusap ng mga pasahero sa loob ng mga pampasaherong sasakyan kung hindi naman kinakailangan.