Hindi na umano inaasahan ng pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maibabalik pa nila sa bansa ang dating pangulo mula sa The Hague kung saan siya nakakulong habang naghihintay ng trial sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang panayam na hindi na sila umaasa na uuwi pa ng bansa ang kanyang ama.

Ayon sa kanya, kung pagbabatayan ang kanyang statement sa korte, sinabi ng nakatatandang Duterte na tanggap na niya na mamamatay siya sa kulungan ng ICC.

Sinabi pa ni VP Sara na hindi siya nanood ng confirmation of charges hearing ng kanyang ama.

Ayon sa kanya, hindi sila pinayagan ng ICC na makita ang kanilang ama sa panahon ng pagdinig.

-- ADVERTISEMENT --

Pinasalamatan din niya ang defense tem ng kanyang ama na pinangungunahan ni Nicholas Kaufman.