
Inihayag ng Malacañang na pag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na ideklara ang Pebrero 25 bawat taon bilang regular holiday sa paggunita sa EDSA People Power Revolution.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ibigay ng mga grupo na nagsusulong ng nasabing panukala ang kanilang bersyon para mapag-aralan ng Pangulo.
Nakasaad sa House Bill 7911 na dapat na ideklara na regular holiday ang Pebrero 25 bilang paggunita sa payapang 1986 EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nabuwag ang diktadurya at naibalik ang demokrasya sa bansa.
Noong 2023, inilipat ni Pangulong Marcos ang February 25 special non-working day sa February 24 para umano sa holiday economics.
Sa mga sumunod na taon, hindi isinama ni Marcos ang February 25 bilang holiday, regular man o special.
Sinabi ni Castro na apektado umano ang mga negosyante sa mga holidays, at sinabing maaari namang gunitain ng sinoman ang EDSA People Power Revolution










