
Iginiit ni Senador Rodante Marcoleta sa kanyang social media post na napapanahon na para isabatas ang dalawang panukalang batas na kanyang isinusulong na may kaugnayan sa kuryente.
Ayon kay Marcoleta, mahalagang magawa ito bilang may banta ng dagdag-singil sa kuryente dala ng tensyon sa Middle East at maaring magkaroon pa ng anumang krisis sa hinaharap.
Sa naging pagdinig ng Senado, maalalang kinumpirma ng Energy Regulatory Commission na maaring maapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa gulo ang presyo ng kuryente sa Pilipinas.
Samantala, ang mga panukalang batas na binabanggit ni Marcoleta ay ang Senate Bill No. 61 na target na alisin ang 12% VAT sa kuryente at ang Senate Bill No. 63 na naglalayong ilibre ang mga kumokonsumo ng hanggang 200kWH ng kuryente bilang subsidy.










