Tuguegarao City- Tinatayang aabot sa humigit kumulang P1M ang pinsalang iniwan ng nasunog sa palengke ng Brgy. Tallang, Baggao, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay FO3 Joey Jose, responder ng BFP Baggao, mabilis na tinupok ng apoy ang sampung puwesto sa nasabing pamilihan dahil yari ito sa light materials.

Sa ngayon ay patuloy pang-inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog na nagmula lamang umano sa isang puwesto.

tinig ni FO3 Jose

Gayonman, wala rin aniyang nasaktan at iba pang kabahayan ang nadamay sa insidente pasado alas-otso kagabi.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Mayor Joan Dunuan na bahagyang natagalan ang pagresponde sa nasabing insidente dahil under repair ang fire truck ng BFP Baggao kaya’t tumulong na rin ang fire truck ng LGU.

-- ADVERTISEMENT --