TUGUEGARAO CITY- Nakatakdang ideklarang druc cleared ang Quirino province ngayong Oktubre.

Sinabi ni Louella Tomas, information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 na sa sandaling maideklara na drug cleared ang dalawa pang bayan sa Quirino, ang Aurora West at Andres Bonifacio ay susunod na rin ang buong probinsiya na maidedeklarang drug cleared.

Ito ay matapos ang regional oversight committee deliveration sa mga nasabing lugar.

Kaugnay nito, sinabi ni Tomas na nakatakda na ring ideklara na drug cleared ang mga bayan ng Luna, Angadanan, San Manuel at San Isidro sa Isabela at Sta. Ana sa Cagayan ngayong buwan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, ang kulang na lang sa mga ito ay magkaroon sila ng “Balay Silangan”.

ang tinig ni Tomas