Nagpasalamat si Senate President Chiz Escudero sa natanggap na mataas na trust ratings sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Base sa resulta ng survey, 69 percent ang nakuhang trust rating ng pamamahala ni Escudero buhat nang palitan niya si dating Senate President Migz Zubiri.

Kaugnay nito, tiniyak ni Escudero na patuloy ang kanyang maayos na pagseserbisyo sa Senado upang mapanatili ang tiwala ng mamamayang Pilipino sa mataas na kapulungan ng kongreso.

Samantala, bahagyang bumaba naman ang ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bumaba sa 53 percent ang kanyang approval rating mula sa 55 percent noong Marso habang 52 percent ang kanyang trust ratings mula sa 57 percent.

-- ADVERTISEMENT --

Tumaas naman sa 2 percent ang approval ratings ni Vice President Sara Duterte sa 69 percent habang nanatili sa 71 percent ang kanyang truct ratings.