Maaari nang lumabas ng kanilang bahay ang mga senior citizens kung ito ay bibili ng kanilang pangunahing pangangailangan sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na bagamat pinapayuhan ang mga senior o edad 60-pataas na manatili sa loob ng kanilang mga bahay, naglabas naman ng exception ang Inter-Agency Task Force.

Nakasaad kasi sa guidelines na kailangang manatili sa loob ng kanilang mga bahay ang mga senior citizen maliban na lamang kung kinakailangan o emergency.

Kabilang na rito, ang mga walang maaaring utusan at kailangang bumili ng essential goods tulad ng gamot at makapagtrabaho sa mga industriya na pinapayagang mag-operate.

Kaugnay nito, pinayuhan ng alkalde ang mga Barangay Kapitan na mag-isyu ng control pass sa mga seniors na kanilang ipapakita upang makapasok sa mga establisyimento o malls.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano