TUGUEGARAO CITY- Binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ang tatlong Cagayano na nag-uwi ng karangalan para sa mga sinalihang kompetisyon sa South Korea at China.

Sa pamamagitan ng resolusyon kasabay ng isinagawang session, kinilala si Zyka Angelica Santiago ng Brgy Centro, Penablanca naiuwing dalawang gintong medalya sa pagsali sa 2019 Pyeongchang World Taekwondo Hanmadang Championship sa South Korea.

Nakakuha naman ng isang gintong medalya at dalawang silver medal ang kanyang nakakatandang kapatid na si Police Corporal Eva Claire Capelo Santiago ng PNP Anti Kidnapping Group para sa Poomsae sa ginanap na 2019 World Police and Fire Games sa China.

Habang nag-uwi din si PSSgt Aaron Jayxen Banatao ng Iguig, Cagayan na nakabase sa Camp Crame ng Silver Medal sa kaparehong paligsahan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinasalamatan din ang nakamit na tagumpay ni Jaylord Carbonel ng Cagayan State University matapos maging Top 8 sa August 2019 Veterinarian Licensure Examination.