TUGUEGARAO CITY-Posible umano na may tatlo na na-trap sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Pampanga dahil sa lindol ang buhay pa.

Sinabi ni Major Ericson Bulusan ng Northern Luzon Command na ito ang na-detect ng equipment ng mga rescuers mula sa Metro Manila Development Authority sa kanilang ginagawang search,rescue and retrieval operations.

Ayon kay Bulusan,minamadali na ngayong araw ng mga rescuers na mahanap ang location ng mga ito para sila ay mailigtas.

Kaugnay nito, sinabi ni Bulusan na umaabot na sa 10 ang namatay sa pagyanig sa Pampanga.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na ang 6 ay mula sa gumuhong supermarket habang ang apat ay mula sa iba pang lugar na naapektuhan ng lindol.

Idinagdag pa ni Bulusan na siyam na lang ang pinaniniwalaang missing dahil sa pagyanig.

Ayon sa kanya,sisikapin nilang mahanap ang mga ito ngayong araw

Sa katunayan, kagabi ay tumigil lamang ang kanilang tropa at iba pang rescuers sa paghahanap sa mga posibleng natabunan ng guho ng hanggang 11:00 kagabi.