Photo Credit: Tuguegarao City Information Office

TUGUEGARAO CITY-Nakiisa sa kauna-unahang pagkakataon ang mga miembro ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA)-Tuguegarao sa pagsasagawa ng Tree Planting activity sa pampang ng Pinacanauan River.

Ayon kay Edmund Pancha, Information Officer ng LGU-Tuguegarao,umabot sa 400 na Mahogany at Neem tree ang kanilang naitanim.

Aniya, ang aktibidad ay inisyatiba na rin ng City Environment and Natural Resources (CENRO-Tuguegarao sa pangunguna ni Atty. Noel Mora, head ng Cenro.

Layon ng aktibidad na muling ibalik ang dating Pinacanauan River na maraming puno ng kahoy sa pampang nito at labanan ang climate change.

Kaugnay nito, sinabi ni Pancha na labis ang pasasalamat ni Mora sa mga Toda members sa pakikiiasa sa pag-aalaga sa kalikasan.

-- ADVERTISEMENT --