Muling nagbabala si US President Donald Trump na tatargetin ng Estados Unidos ang power plants at mga tulay ng Iran bukas kung hindi pa rin bubuksan ang Strait of Hormuz.

Sinabi ni Trump sa kanyang social media post na Power Plant Day at Bridge Day bukas sa Iran.

Binigyang-diin niya na magiging matindi ang gagawing pag-atake sa mga infrastructure ng Iran kung mananatiling sarado ang strait.

Nagmura pa si Trump, at pinagsabihan ang Iran na buksan na ang Strait of Hormuz, upang maiwasan na maharap sa mas matinding strikes.

Kasabay nito, sinabi ni Trump na magsasagawa siya ng press conference ngayong araw na ito sa Oval Office matapos na mailigtas ng militar ang dalawang piloto na bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --