Maaari nang daanan ang kalsada sa Tuao-Pinukpuk, Kalinga and Apayao Road matapos maitala ang rockslide o pagkahulog ng mga bato dahil sa nararanasang pag-uulan.
Ayon kay Chito Baligod, head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Tuao, agad rumesponde ang LGU sa lugar para sa clearing operation.
Apektado ng naturang landslide kaninang umaga ang mga sasakyang papuntang Cagayan, Apayao at Kalinga and vice versa.
Wala namang nasaktan sa naturang pagguho ng bato na kasinlaki ng tatlong bus.
Muling nagpaalala si Baligod sa publiko na mag-ingat lalo na at landslide prone area ang ilang mga lugar na malapit dito.
-- ADVERTISEMENT --