Umabot sa P655,000 ang tulong pinansiyal na iniabot ng overseas workers welfare administration o owwa region 2 sa mga ofw’s lalawigan ng Isabela

Ayon sa owwa region 2 na nasa 34 na ofws ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng balik pinas..balik hanap buhay program, welfare assistance program at medical aid

Galing ang mga benepisyaryo sa mga bayan ng Roxas, san manuel, burgos, quirino, sta maria at aurora
Sinabi ni Family Welfare Officer Danilo Balisi ng Ilagan Satellite Office na namamahagi sila ng tulong pinansyal sa mga OFW na nakauwi na sa Pilipinas.

Nakatanggap ang ilang benepisyaryo ng bereavement assistance at mga scholarship grant para sa kanilang mga student dependent.

Ayon kay balisi na ang inisyatiba na ito ay pagtupad sa pangako ng pamahalaan na mabigyan ng tulong hindi lamang ang mga ofw kungdi pati ang mga miembro ng kanilang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Pinuri din ng owwa ang mga local na pamahalaan sa kanilang pakikipagtulungan para mabigyan ng suporta ang mga ofw