Ipapa-auction ng Bureau of Customs (BOC) ang 13 mamahaling sasakyan na pagmamay-ari ng mga kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya, ayon sa ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Napag-alamang kulang o walang kaukulang dokumento ang mga sasakyan, dahilan upang isailalim ang mga ito sa Warrant of Seizure and Detention noong Oktubre.
Tinatayang nasa ₱100 milyon ang hindi nabayarang buwis sa pag-aangkat ng mga naturang sasakyan, karamihan sa mga ito ay walang rekord ng bayad na duties at taxes.
Sa kasalukuyan, inaayos na ng BOC ang mga kinakailangang approval mula sa Department of Finance (DOF) para maisagawa ang public auction.
Target ng ahensya na agad makarekober sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga nasabing sasakyan.
-- ADVERTISEMENT --