Stranded ang 140 na pasahero sa bayan ng Aparri, Cagayan bunsod ng sama ng panahon dahil sa bagyong Florita.

Sinabi ni CG LTSG Miguel Angelo Gangan, shief of staff ng Coast Guard District North Eastern Luzon na ang mga stranded ay kinabibilangan ng 80 students, 40 civilians at 20 na mga bata.

Ayon kay Gangan, naghihintay na lamang sila ng direktiba bago ang gagawing pagbibigay sa kanila ng sasakyan para sa ligtas na pagbabalik nila sa kanilang destinasyon sa Linao, Aparri West.

Kaugnay nito, sinabi ni Gangan na patuloy ang monitoring ng kanilang hanay sa kanilang area of responsibility kung saan ay inatasan na ang kanilang mga stations sa Cagayan, Aurora, Batanes at Calayan na bantayan ang kanilang coastal areas.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay upang matiyak na walang magiging pasaway dahil sa umiiral ngayon ang “no sail” policy.