TUGUEGARAO CITY-Dalawang spillway way gate ng Magat Dam Reservoir sa probinsya ng Isabela ang kasalukuyang nakabukas ngayon.

Ayon kay Engr. Wilfredo Gloria ng Magat Dam reservoir, nasa 887 cubic meters per second ang outflow o ang pinapakawalang tubig sa magat dam na may opening na tatlong metro.

Sinabi ni Gloria na plano rin nilang bawasan ang dami ng pinapakawalang tubig.

Pinawi naman ni Gloria ang pangamba ng publiko lalo na ang mga mamamayan sa probinsya ng Cagayan na hindi magdudulot ng malawakang pagbaha ang pinapakawalang tubig.