TUGUEGARAO CITY-Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 48 sakay ng motorbanca matapos magkaaberya sa Sabtang, Batanes.
Ayon sa PCG, papuntang Sabtang port mula sa Ivana Port ang motorbanca nang magkaaberya ang makina nito kung saan sakay ang 33 pasahero at 15 crew ng MV Santa Ines 2.
Mabilis na nakahingi ng tulong sa coast guard sub-station Sabtang si Seaman 2nd class Jayson Orendes na lulan din sa naturang motorbanca na agad namang rumesponde sa insidente.
Sa ngayon,nahila na ng coast guard ang nagkaaberyang motorbanca at ligtas na nadala sa pantalan ang mga pasahero.