Patay ang limang katao matapos na sila ay pagbabarilin sa North Las Vegas.

Ayon sa kapulisan na nagpakamatay din ang suspek ng ito ay kanilang komprontahin.

Kinilala ang suspek na si Eric Adams, 47-anyos.

Ang mga biktima ay kinabibilangan ng apat na babae at isang lalaki habang sugatan at nasa kritikal na kondisyon ang 13-anyos na dalagita.