Pinaniniwalaang dinamdam ng 52-anyos na magsasaka ang pagkamatay ng kanyang ina na dahilan ng kanyang pagbigti sa punongkahoy sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Ayon kay PSSGT James Caronan, imbestigador ng PNP- Claveria, nadatnan pa ng pulisya sa kanilang pagresponde ang katawan ng hindi na pinangalanang biktima na nakabigti gamit ang lubid sa punongkahoy sa likod ng kanilang bahay dakong alas 5:30 ng hapon.

Batay sa salaysay ng kanyang kapatid sa pulisya, napansin umano nila na laging tulala at hindi nagsasalita ang biktima na posibleng dahil sa pangungulila sa pagkamatay ng kanilang ina nitong Pebrero ngayong taon

Nabatid na walang asawa ang biktima kung saan kasama niya sa bahay ang kanyang kapatid at pamangkin.

Wala namang nakikitang foul play ang pamilya sa pagkamatay ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --