Posibleng maalis bilang alkalde ng Bamban, Tarlac si Mayor Alice Guo sa pamamagitan ng quo warranto case matapos makumpirma ng National Bureau of Investigation’s (NBI) na nagtugma ang fingerprints ni Mayor Guo at babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Biyernes, Hunyo 28, mapabibilis ng resulta ng fingerprint-matching test ang paghahain ng quo warranto case laban sa suspended mayor.

Aniya, ihahain ang kaso sa lalong madaling panahon.

Ang quo warranto ay isang special civil action na tumutukoy kung ang isang indibidwal ay may karapatan pang humawak ng isang posisyon sa pamahalaan.