Natapos na ang 13 taong paghihintay ni Jodi Sta. Maria na mapawalang-bisa ang kasal nila ng dating asawang si Panfilo Lacson, Jr.

Sa latest Instagram post , sinabi ni Jodi na ipinagkaloob na raw ng Korte Suprema ang petisyon niya na “nullity of marriage.”

Sinabi ni Jodi na hindi naging madali habang hinihintay niya ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang petisyon dahil sa mga nasabing panahon ay marami siyang iyak, nawawalan ng pag-asa, subalit nagpatuloy siya sa pagdarasal at wakas ay ibinigay ang kaniyang kahilingan.

Kasabay nito, nagpaabot si Jodi ng pasasalamat sa mga taong nakasama niya sa paglalakbay na ito ng kaniyang buhay.

Matatandaang ikinasal si Jodi kay Panfilo noong 2005 at nagkahiwalay noong 2011.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, nagkaroon naman sila ng isang supling na si Thirdy.

Maayos pa rin ang relasyon nina Jodi at Pampi at bahagi sila ng blended family.

Ang kasama ngayon ni Pampi ay ti actress Iwa Moto kung saan mayroon silang dalawang anak.