Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan Third Division ngayong araw ang arraigment o pagbasa ng sakdal kay dating senator Ramon Bong Revilla jr. at dating Department of Public Works and Highways Bulacan First District Engineering Office finance section chief Juanito Mendoza.

Ang pagpapaliban muli sa proseso ay bunsod ng nakabinbin na mga mosyon na kumukuwestion sa kasong malversation laban sa kanila kaugnay sa P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Dahil dito, muling itinakda ang arraigment nina Revilla at Mendoza sa February 16 ng umaga.

Naghain ng apela sila Revilla at Mendoza sa resolusyon ng Sandiganbayan noong Feb. 5 na tinanggihan ang kanilang kahilingan na ibasura ang kanilang kasong kriminal laban sa kanila at iba pa.

Itinuloy naman ang arraigment sa iba pang kapwa akusado nina Revillat at Mendoza, kung saan nagpasok sila ng not guilty.

-- ADVERTISEMENT --

Ang iba pang kinasuhan ay ang mga sumusunod:

dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez
dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Engr. Jaypee Mendoza
dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan
Engr. Arjay Domasig
dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan
Engr. Emelita Juat and 
DPWH Bulacan First District Engineering Office cashier Christina Pineda