Nagkaroon ng balasahan sa mga key positions ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 2 upang mapunan ang mga puwesto ng mga opisyal na pumasok sa kanilang “schooling” ngayong taon.

Kabilang sa mga puwestong nagkaroon ng balasahan ay ang Provincial at City fire marshal dahil ang mga dating firemarshal na nakaupo sa posisyon mula sa probinsya ng Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ay pumasok na sa pag-aaral.

Sa naging direktiba ni Fire Chief Supt. Rizalde Castro, director ng BFP Region 2, ay epektibo ang reshuffling ng mga opisyal nito lamang Enero 5.

Kaugnay nito, si FSupt. Fernando Noel De Leon na Provincial Fire Marshal ng Cagayan ay naitalaga bilang Officer-in-Charge ng Isabela-BFP kapalit ni FSupt. Aristotle Atal.

Si FSupt. Angel Diquiatco Jr. na dating sa Batanes ay inilipat naman sa BFP-Cagayan, si FSupt. Allan Eballar naman ang pumalit kay FSupt. Erwin Casil ng BFP Nueva Vizcaya habang si FCInsp. Lavender Baldovino naman ang ipinuwesto sa BFP-Quirino bilang kapalit ni FSupt. Pedro Espinosa.

-- ADVERTISEMENT --

Sa mga City Fire Marshal naman ay nagpalitan ng puwesto sina dating Ilagan City Fire Marshal, FCInsp. Manuel Luis Gonzales, Jr. at FCInsp. Conrad Ian Casayuran ng Santiago City Fire Station.

Layunin ng nasabing hakbang na hindi maapektohan ang pagseserbisyo ng ahensya sa halip ay lalo pa nilang maisulong ang kanilang mandato na mabantayan at matiyak ang kaligtasan ng publiko.