TUGUEGARAO CITY – Umaasa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 na pagbibigyan ng kanilang central office ang kanilang hiling na dagdag na malaking patrol boat.

Sinabi ni Dr.Nelson Bien, director ng BFAR Region 2 na bagamat may limang patrol boat ang Region 2 ay hindi umano kalakihan ang mga ito kaya hindi rin kayang habulin ang mga foreign vessels na iligal na nangingisda sa katubigan ng Lambak Cagayan lalo na sa Batanes.

Ayon kay Bien,bukod sa malalakas na alon sa Batanes ay malayo ito na hindi kayang agad na marating ng mga kasalukuyang patrol boat.

Sinabi niya na sa pamamagitn ng malaking patrol boat ay tiyak na magdadalawang-isip na ang mga dayuhan na iligal na mangingisda na pumasok sa mga karagatan ng rehion.

-- ADVERTISEMENT --