Inirekomendang palitan si Bureau of Fire Protection (BFP) chief Fire Director Jesus Fernandez at iba pang opisyal, at sasampahan sila ng reklamo kaugnay ng umano’y bid-rigging at katiwalian, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.

Sa isang press conference, sinabi ni Remulla na isinasagawa na ang proseso ng pagpapalit kay Fernandez bilang pinuno ng BFP.

Ang BFP ay isang ahensya sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na pinamumunuan ni Remulla.

Idinagdag ng kalihim na tinatayang 1,000 tauhan ng BFP sa buong bansa, kabilang ang nasa 40 kasalukuyan at dating opisyal, ang mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa bid-rigging at katiwalian sa pagbili ng mga fire extinguisher at mga trak ng bumbero.

Ayon pa kay Remulla, inalok umano siya ng suhol na nagkakahalaga ng P1.5 milyon kada trak ng bumbero.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon umanong tatlong kandidato na tinitingnan si Remulla na ipapalit kay Fernandez bilang hepe ng BFP.