TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 64 ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Rehiyon Dos.

Ito’y matapos muling makapagtala ang Department Of Health (DOH)-R02 ng dalawang namatay dahil sa virus.

Base sa datos ng DOH-R02, may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa covid-19 ang probinsya ng Isabela na 24 sinundan ng Nueva Vizcaya na 22, Cagayan na 17 at isa sa Santiago City.

Umabot naman sa 65 ang bagong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 46 ay mula sa Isabela, 14 sa Cagayan at lima sa Santiago City.

Dahil dito, umakyat na sa 4,104 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa nakamamatay na sakit sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

65.08 percent naman sa 421 na aktibong kaso ng virus ang asymptomatic , 31.35 percent ang mild, 3.33 percent ang severe at 0.24 percent ang nasa critical condition.

Nasa 41 naman ang bagong nakarekober sa covid-19 kung saan 24 ay mula sa Isabela at 17 sa Cagayan.