TUGUEGARAO CITY-Patay ang budget officer ng Local Government Unit(LGU) Conner matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa arko ng Tuao, Cagayan. .
Ayon kay Police Major Reymund Asistores, hepe ng PNP-Tuao, papunta sana ang biktima na si Reynaldo Bugnay Sr. ,59-anyos, residente ng Manag, Conner, Apayao sa lungsod ng Tuguegarao mula sa bayan ng Conner ng mangyari ang aksidente.
Nang marating ng biktima ang pinangyarihan ng insidente ay nawalan ng kontrol sa manebela at tuluyang bumangga sa arko.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima habang wasak ang harapang bahagi ng kanyang sasakyan.
Agad na isinugud sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on arrival ng umasikasong duktor.
-- ADVERTISEMENT --