Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman (COMELEC) George Erwin Garcia na magpapatuloy pa rin ang General Voters Registration sa July 1-15 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Ito ay sa kabila ng pag-apruba ng House of Representatives ng House Bill 11287 o pag-extend sa term of office ng Barangay at SK Officials mula 3 years papuntang 6 years.

Aniya, mahalaga pa ring ipagpatuloy ang registration para makapagtala ng mga bagong botante at matiyak na makapgparehistro pa rin ang mga Pilipino sa taong ito.

Samantala, patuloy naman aniyang nakaantabay ang komisyon kung magkakaroon ng development ukol sa desisyon ng kamara sa BSKE.