Nagpahayag ng pagkabagabag si House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima sa pahayag ni SAGIP Party-list Rep. Paolo Marcoleta kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea, na tinawag niyang “nakakabagabag at hindi tama.”

Nanawagan si De Lima sa mga mambabatas at sa publiko na magkaisa sa pagtatanggol sa WPS, kasunod ng pahayag ni Marcoleta na hamong isabak sa digmaan sina Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela at ilang senador sakaling giyerahin ng Tsina ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni De Lima na walang sinuman ang nagnanais ng giyera at hindi ang Pilipinas ang nag-uudyok nito, at iginiit ang pagkakaisa ng bansa sa halip na kampihan ang dayuhang aniya’y nambubully, nanghaharass, at nangaangkin ng teritoryo.