Mariing itinanggi ni dating ACT Teachers Party-List Rep. France Castro na tumanggap siya ng male-maletang pera mula kay dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Castro sa panayam ng Bombo Radyo, ito ay isang “orchestrated scheme ng mga Duterte supporters” na layong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) at sa mga panawagang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ni Castro na organisadong taktika lamang ang mga kumakalat na alegasyon, na katulad ng mga naunang harassment cases na isinampa laban sa kanya.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Castro na ang Duterte political dynasty rin ang nasa likod ng ethics complaints laban sa kanya, upang pagtakpan ang umano’y katiwalian at pag-abuso sa confidential at intelligence funds (CIF).

Sa kabila nito, nanindigan si Castro na patuloy niyang ipaglalaban ang transparency at accountability sa pamahalaan, lalo na sa paggamit ng pondo para sa mga proyektong imprastruktura at serbisyong panlipunan.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Castro, ito ay malinaw na bahagi ng mas malawak na kampanya ng paninira laban sa mga progresibong mambabatas.