Ibinahagi ng isang mangingisda na lalo pang papalapit sa pampang sa kanilang lugar ang mga barko ng China.

Sinabi ni Leonardo Cuaresma, President ng New masinloc Fisherman’s Association, sinabi nito na kung kamakailan ay umaaligid lamang sila, ngayon ay nasa 20 milyang layo na lamang sila mula sa kanilang lugar.

Aniya na kasabay nito ay ang lumulubhang pangamba ng mga mangingisda na pumalaot para ipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay.

Saad nito na panibago sa kanilang paningin ang carrier vessel ng China kumpara sa mga una nilang namataan. Ito naman aniya ay naguudyok ng takot sa kanila dahil sa namataan nilang barkong pandigma ng China.

Dagdag pa nito na ang mga kasamahan naman nila na nangingisda sa Scarborough Shoal ay tukuyan nang tumigil sa pangingisda dahil hindi na sila makapasok o makalapit man lang sa Bajo de Masinloc sa Zambales kahit anong gawin nila.

-- ADVERTISEMENT --

Ani Cuaresma na ang nakakapangisda na lamang sa kanilang mga kasamahan ay ang mga commercial fishing vessel.