Namatay ang nasa tatlo o apat na aso matapos masunog ang isang bungalow-type na bahay sa Arao St., Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City.

Ayon kay Fire Chief Insp. Aristotle Atal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tuguegarao, sumiklab ang sunog pasado alas-12:00 ng tanghali ngayong araw sa bahay ng biktimang si Antonio Remolacio, 55-anyos.

Itinaas sa unang alarma ang sunog at naapula ito makalipas ang ilang minuto.

Bagamat walang taong naitalang nasugatan ay nasunog ang ilang alagang aso at motorsiklo ng pamilya Remolacio.

Patuloy pang inaalam ng BFP kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala.

-- ADVERTISEMENT --