TUGUEGARAO CITY- Kailangan na maoperahan ang walo sa 15 pasahero ng nahulog sa bangin na elf truck sa Conner, Apayao na dinala sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao,medical center chief ng CVMC na ang mga nasabing pasahero ay nagkaroon ng fracture sa ilang bahagi ng kanilang katawan.

Kabilang sa maooperahan ang driver ng truck na si Mytofor Datul.

Ayon kay Baggao na kailangan na malagyan ng surgical stainless ang mga bali ng mga nasabing pasyente.

Kasabay nito, sinabi ni Baggao na walang babayaran ang mga nasabing pasyente sa kanilang operasyon dahil sa sasagutin na ito ng CVMC.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr.Glenn Mathew Baggao

Nabatid mula kay Baggao na nakalabas na ng ospital ang iba pang pasahero na nagtamo ng minor injuries sa nasabing aksidente.