
Bumalik na ang imahe ni Hesus Nazareno sa Quiapo Church mula sa Quirino Grandstand sa Manila City, kung saan nakumpleto ang traditional na Traslacion matapos ang halos 31 oras – isa sa pinakamahabang prusisyon.
Naipasok ang imahe sa gate ng Quiapo Church ng 10:50 kaninang umaga.
Nagsimula ang Traslacion ngayong taon sa Quirino Grandstand ng 4 a.m. kahapon at nagtapos ng 30 oras at 50 minuto, batay sa monitoring ng livestream ng festival.
Tinatayang 7.3 million ang dumalo sa Traslacion ngayong taon, ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Manila.
Tumagal ang Traslacion noong 2025 ay nagtagal ng 20 oras at 45 minuto at dinaluhan ng tinatayang 8.1 million na mga deboto, batay sa pagtaya ng PNP.
Kaugnay nito, sinabi ng National Capital Region na dalawang deboto ng Hesus Nazareno ang namatay sa Traslacion ngayong taon.
Hindi kasama sa bilang ng mga namatay ang photojournalist na namatay kahapon habang nagsasagawa ng coverage sa prusisyon.
Ayon sa mga opisyal ng simbahan, hindi itinuturing na casualty ang photojournalist sa nasabing religious activity.
Sinabi ni Father Robert Arellano, spokesperson para sa Nazareno 2026, namatay ang photojournalist ay namatay dahil sa kanyang medical condition at hindi direktang nangyari ang kanyang pagkamatay sa Traslacion.
Ayon naman sa Philippine Red Cross (PRC), 849 patients ang kanilang tinulungan buhat noong Huwebes hanggang kaninang umaga.
Sa nasabing bilang, 19 ang dinala sa mga ospital.










