
Binigyang-diin ng Revolutionary Guards ng Iran na hindi nila papayagan ang kahit isang litro ng langis na makalabas mula sa Middle East kung magpapatuloy ang mga pag-atake ng Estados Unidos at Israel.
Dahil dito, nagbabala naman si US President Trump na mahaharap ang Iran sa mas matinding pag-atake kung haharangin ang exports mula sa Middle East.
Sinabi ng Israel na ang layunin ng kanilang giyera sa Iran ay para buwagin ang clerical rule system.
Ayon naman sa mga opisyal ng US na ang layunin nila ay sirain ang missile capabilities at nuclear program ng Iran, subalit sinabi ni Trump na matatapos lamang ang giyera kung tutugon ang pamahalaan ng Iran.
Nagbabala si Trump ng mas matinding pag-atake kung tatangkain ng Iran na harangan ang trapiko sa Strait of Hormuz, na dumadaan ang one-fifth na oil supply ng mundo.
Sinabi naman ng Islamic Revolutionary Guards Corp ng Iran na sila ang magdedetermina kung kailan matatapos ang giyera.
Dahil sa giyera ay sarado ang Strait of Hormuz, na dahilan kaya hindi makalayag ang oil tankers sa loob na ng isang linggo at nagresulta sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.










