Maraming pagsabog ang narinig kanina sa Doha, Qatar.

Batay sa ulat ng Gulf nations, naglunsad ng mga panibagong pag-atake ang Iran bilang ganti sa pag-atake sa bansa ng Estados Unidos at Israel.

Nakaranas ang Doha ng mga drone at missile attacks buhat nang ilunsad ng Iran ang kanilang pagganti sa Gulf region.

Ayon sa defense ministry ng Qatar, naharang ng kanilang tropa ang missile attack ng Iran ngayong umaga.

Sinabi naman ng defense ministry ng Kuwait na sinikap din ng kanilang air defences na harangin ang missile at drone attack ng Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa mga awtoridad, nagkaroon ng pitong missiles at limang drones sa Gulf nation kahapon.

Maraming katao rin ang naiulat na nasugatan kahapon sa Iranian drone Attack sa isla ng Sitra sa Bahrain.

Ipinag-utos naman ng US kahapon sa kanilang mga tauhan sa embassy sa Saudi Arabia na lisanin ang lugar matapos na magsagawa ng pag-atake ang Iran.