TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isang kagawad nang makuhanan ng hindi lisensyadong baril at mga bala sa kanyang bahay sa bayan ng Enrile.
Kinilala ni PMAJ Lorvin Layugan, hepe ng PNP-Enrile ang suspek na si Mark Anthony Mandingco, 30-anyos ng Barangay San Antonio.
Sa bisa ng search warrant, nakuha sa bahay ng kagawad ang isang homemade caliber .45 pistol, isang magazine at mga bala nito.
Ayon kay Layugan, nakatanggap ng reklamo ang PNP laban sa kagawad ng Barangay sa pagpapaputok nito ng baril tuwing nalalasing.
-- ADVERTISEMENT --
Si Asuncion ay nakakulong na sa Enrile Police Station at inihahanda na ang kaso kontra sa kanya.